CONGRATULATIONS CALAPAN CITY! 2025 MIMAROPA RSPC GRANDSLAM CHAMPION! MABUHAY ANG MGA CALAPENONG MAMAMAHAYAG!

Mainit na pagbati at pagpupugay para sa DepEd Schools Division of Calapan City na hinirang bilang GRANDSLAM Champion, para sa matagumpay na pagkamit ng iba’t ibang mga karangalan

sa idinaos na “2025 MIMAROPA Regional Schools Press Conference (RSPC)”, na ginanap sa Angel’s Hills, Tagaytay City, nitong ika-19-21 ng Pebrero. Ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ay taos-pusong nagpapasalamat at buong pagmamalaking humahanga at sumasaludo sa ipinamalas na dedikasyon, kahusayan, at katalinuhan ng mga kabataang Calapenong mag-aaral sa larangan ng malayang Pamamahayag, katuwang ang kani-kanilang mga punong guro at mga gurong tagapagsanay.