COMMUNITY ORGANIZERS SUMAILALIM SA BASIC LIFE SUPPORT TRAINING
Dahil ang mga kawani ng Community Affairs Office ay palaging kasalamuha ng mga tao sa mga komunidad upang makipag-ugnayan hinggil sa mga programa, proyekto at serbisyong ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod, kung kaya importanteng may sapat silang kaalaman sa pangkaligtasan na kanilang magagamit sa mga biglaang sitwasyon.
Sa kahilingan ni Mr. Avelino Tejada, hepe ng CAO ay agad tumugon ang City Disaster Risk Reduction and Management Department upang magbigay ng ‘Basic Life Support Training’ para 34 na Community Organizers, ginanap noong Nobyembre 8-9,2022 sa ABC Hall, Local Government Building, City Hall Complex.
Nakapaloob sa nasabing pagsasanay para sa unang araw ang Principle of Emergency Care; Introduction of Basic Life Support; Cardio Pulmonary Resuscitation; Automated External Defibrillator; Respiratory Arrest and Rescue Breathing at Foriegn Body Airway Obstruction Management.
Sinundan ito ng pagsasagawa ng actual demonstrations para sa Adult and Infant FBAO at Adult and Infant CPR/AED. Sa ikalawa at huling araw ng pagsasanay ay sinubok ang natutunan ng mga partisipante sa Review and Remedial of Exam at Return Demonstration (Skills Exam).
Bahagi ng pagbibigay ng ‘Serbisyong TAMA’ ng administrasyong Morillo-Ignacio na ang anumang tungkulin at obligasyon ng mga kawani ng City Hall ay hindi naka-kahon at limitado lamang sa atas na ibinigay sa kanila (Junard Acapulco/CIO).



