Nagsagawa ng Coastal Clean-up ang mga miyembro ng Kabataang Malupit sa baybaying-dagat ng Brgy. Pachoca, Nobyembre 30, 2022. Nakiisa sa gawain ang ilang opisyales ng nasabing barangay. Nagkaroon rin ng Feeding Program o munting pagsasalo para sa mga bata na ginanap naman sa Blk. 5 at Sitio Ilang-ilang, Pachoca.
Naging matagumpay ang nasabing mga gawain sa pakikipagtulungan na rin ng Brgy. Pachoca at ng Community Affairs Office. Simula pa lamang ang Coastal Clean-Up at Feeding Program para sa pagdiriwang ng unang anibersrayo ng Kabataang Malupit at malugod na pinababatid ng organisasyon na magkakaroon pa ng mga susunod na makabuluhang programa at proyekto, kaya dapat itong abangan.








