CLEAN-UP DRIVE SA BRGY. GUINOBATAN, IKINASA NG CALAPAN LGU

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naisagawa ang “Clean-up

Drive Activity” sa Barangay Guinobatan, nitong ika-20 ng Hulyo.
Ngayong tag-ulan, gumagawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan, upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit katulad ng Dengue, kung kaya’t isang tamang hakbang ang paglilinis ng kapaligiran, sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga kalat, para hindi ito magawang pamugaran ng mga lamok.
Ang nasabing gawain ay pinangunahan nina Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy (CAO, Head), Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), Mr. Christian Alferez, RN, at Punong Barangay, Hon. Pedro B. Ilagan Jr..
Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pagtutulungan ng City Environment and Natural Resources Department (CENRD), Community Affairs Office, City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), at Sangguniang Barangay ng Guinobatan.