Pinangunahan ni CSB Chairperson, City Mayor Marilou Flores-Morillo ang “City School Board Monthly Meeting 2024” na ginanap sa City Hall, nitong ika-13 ng Hunyo.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang tungkol sa mga sumusunod: Progress Updates on the Current SEF Infrastructure Project, 2024 Palarong Pampaaralan ng Sangay ng Lungsod ng Calapan (City Meet) Accomplishment Report, 2024 MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet, at iba pang mga mahahalagang usapin.
Sa pagtatapos ng taong panuruang 2023-2024, makikitang tunay na naging masigasig ang mga nasa kinauukulan, upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga aktibidad at programa na nakatuon sa pagpapaunlad ng edukasyon, para sa mga kabataan sa Lungsod ng Calapan.
Samantala, ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Schools Division Superintendent, Ms. Susana M. Bautista, Mr. Nicanor E. Alcañices (PSD Supervisor, SEF Focal Person, DepEd), City Education Officer, Ms. Myriam Lorraine D. Olalia, City Councilor, Hon. Rius Anthony C. Agua, Principal IV, Oriental Mindoro National High School, Dr. Nimrod Bantigue, PhD., City Treasurer, Mr. Nicasio D. Catapang, City Accountant, Mr. Edgardo C. Basilan, CPA, at ng iba pang mga miyembro nito.