Pinangunahang muli ni City Mayor Malou Flores-Morillo bilang Chairperson ang City School Board Meeting nitong ika-21 ng Nobyembre.
Magkakasamang nagpulong sina Hon. Rius C. Agua (SP Committee on Education Chairperson), Mr. Noel C. Cirujano (SK Federation of Calapan City President), Dr. Nimrod Bantigue (OMNHS Principal IV & Association of Professional Teachers in MIMAROPA President), Mr. Allan L. Paigao (Education Program Supervisor & DepEd National Employees Union President), Mr. Gilbert P. Matchimura (Parents, Teachers, and Community Association President), Mr. Edgardo C. Basilan (City Accountant), Mr. Nicanor E. Alcañices (Public Schools Division Supervisor), Ms. Roberta Teresa D. Padua, Engr. Benjamin L. Acedera (City Engineer) at Ms. Mary Suzette C. Lopez (OIC – Assistant Treasurer).
Napagkasunduan naman ng konseho ang pagkuha ng mga security guards, maintenance at utility staff para sa mga secondary level schools at maging sa mga elementary level schools na may malaking populasyon. Suhestyon naman ni Mayor Malou na hangga’t maaari ay kayang magmultitask ng mga kukuning staff.
Kabilang din sa mga agenda ay ang Updates on the Utilization of 2022 Regular and Supplemental Special Education Fund (SEF) Budget, maging ang Allocation of Additional SEF Budget, at ang paghahanda para sa 2023 SEF Budget (Thea Marie J. Villadolid/CIO).




