Nagtipon ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗥𝗼𝘂𝘁𝗲 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗮𝗺 sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 nitong ika-11 ng Mayo upang talakayin ang mga usaping transportasyon sa lungsod.

Kabilang sa mga isyu na tinalakay sa pagpupulong ay ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa bagong taripa o pamasahe sa Calapan na ayon kay 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗜𝗖 𝗘𝗹𝗲𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗔. 𝗥𝗮𝗺𝗶𝗿𝗲𝘇 ay nasa proseso pa din ng pagsasaayos.

Natalakay din sa pagtitipon ang pagkakaroon ng 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗿𝗺𝗶𝗻𝗮𝗹 sa Lungsod ng Calapan at ang magiging pagbabago pagdating sa kalsada.

Gayundin, ibinalita naman ni 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 𝗩. 𝗔𝗯𝗼𝗯𝗼𝘁𝗼 na unti-unti nang inaayos ang mga signage, pedestrian lanes, at iba pang mga pasilidad pangkalsada.

Paalala naman ni Mayor Morillo sa mga operators at drivers, laging sumunod sa batas at sa mga ordinansang inilalabas dahil ang mga ito ay pinag-aralan ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 para sa ikabubuti ng lahat.

Naroon sa pagpupulong sina 𝗦𝗞 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, , 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, 𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗤. 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶.

Katuwang naman ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗟𝗧𝗢), 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 (𝗟𝗧𝗙𝗥𝗕), at 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Bilang boses ng mga operator at mga namamasada, naimbitahan din ang ilang mga organisasyon gaya ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗧𝗼𝘄𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (𝗖𝗧𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗰𝗼), 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗿’𝘀 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿’𝘀 𝗧𝗿𝗶𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗣𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗯 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝗰. (𝗙𝗘𝗗𝗢𝗧𝗥𝗜𝗣), at 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗶𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿’𝘀 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗿’𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗲𝗱 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 (𝗖𝗖𝗧𝗢𝗗𝗔).