Kasama si 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, malugod na tinanggap ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang mga unang batch ng mga tulong mula sa 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗔𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗨𝗦𝗔𝗜𝗗) na katuwang ang 𝗚𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗔𝗕𝗦-𝗖𝗕𝗡 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗜𝗻𝗰. (𝗔𝗙𝗜), sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol, ika-23 ng Marso.

Nagkaloob ang USAID sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗥𝘆𝗮𝗻 𝗪𝗮𝘀𝗵𝗯𝘂𝗿𝗻 (𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗨𝗦𝗔𝗗 𝗣𝗛), Gerry Roxas Foundation sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘁 (𝗔𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆, 𝗨𝗦𝗔𝗜𝗗 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗜𝗥𝗘), at AFI sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗮𝗻 𝗔𝘀𝗰𝗮𝗹𝗼𝗻 (𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗜𝗥𝗘 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗟𝗲𝗮𝗱, 𝗔𝗙𝗜) ng mga additional supports na protective gears at mga kagamitang kakailanganin sa paglilinis ng mga oil spills sa mga naapektuhang munisipalidad ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, maglalaan din ang USA ng Sampung milyon pisong halaga para sa pagsasanay ng mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill na maging citizen scientists at magsagawa ng mga coastal habitat assessments habang may fising ban.

Sa Lungsod ng Calapan, matatandaang umabot na ang oil spill sa Barangay Navotas at Maidlang noong ika-16 ng Marso at nito lamang ika-20 nagkaroon na din ng mga traces ng oil spill sa kanlurang bahagi ng Calapan partikular na sa Baco Chico Island, at sa Verde Island na kilala bilang “𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅’𝒔 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑩𝒊𝒐𝒅𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒊𝒕𝒚”.

Kaya naman, para kay Mayor Morillo, napakalaking tulong ang ipinagkaloob ng USAID, Gerry Roxas Foundation, at AFI sa mga frontliners at fisherfolks na naapektuhan ng oil spill.

Pasasalamat din ang ipinaabot ni Governor Bon Dolor at ani nga niya, “𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌 𝒚𝒐𝒖 𝒇𝒐𝒓 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒏𝒐𝒕 𝒂𝒍𝒐𝒏𝒆 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒇𝒊𝒈𝒉𝒕”.

Naroon din sa gawain si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗯𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗗𝗿. 𝗖𝗶𝗲𝗹𝗼 𝗔𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗼𝗺𝗺. 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗔𝗯𝗶𝗻𝗼𝗷𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁𝗴𝘂𝗮𝗿𝗱 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗿𝗠𝗶𝗻, at 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗥𝗮𝗻𝗮𝗱𝗮 mula sa 𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.