Matapos mag-ikot sa ilang evacuation centers para pangunahan ang pamamahagi ng relief goods ay personal na binisita ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang Emergency Operations Center ng City Disaster Risk Reduction and Management Department upang alamin ang pinakabagong updates para kay Tropical Storm Signal “PAENG”. Inalam din ng Alkalde mula kay CDRRM Officer Denies Escosora ang kasalukuyang sitwasyon ng ating mga kababayan lalo ang mga nasa low-lying barangays, nakapanayam din ng punong lungsod si City Health Officer Dr. Basilisa Llanto at Social Welfare Officer Ms. Juvy Bahia.