Kaalinsabay ng Fourth Quarterly Meeting ng MIMAROPA Development Administration Committee (DAC) na isinagawa via online noong Nobyembre 23, 2022 ay pormal na nanumpa sa kanyang tungkulin bilang Chairperson ng Development Administration Committee (DAC) si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo.
na pinangasiwaan ni Romblon Governor at MIMAROPA RDC Chairman Jose Riano. Sinundan ito ng ‘Message of Acceptance’ at Opening Message ni Mayor Morillo.
Matapos maging opisyal ang kanyang pagkakatalaga, sa unang pagkakataon ay ginampanan ni Mayor Malou ang kanyang tungkulin bilang Presiding Officer sa nasabing pagpupulong.
Kabilang sa mga naging agenda ay ang MIMAROPA Regional Development Plan for 2023-2028, Regional Development Investment Plan for 2023-2028, 2022 MIMAROPA Regional Development Report Preparation Guidelines at Proposed Schedule of Calendar Year 2023 RDC Meetings.
Ilan sa mga opisyales ng Regional Development Council (RDC) na kasama sa nasabing pagpupulong ay sina Director Agustin Mendoza, Vice Chairperson ng RDC MIMAROPA at siya ring kasalukuyang Regional Director, NEDA MIMAROPA at Apolo Edwin Pagano, Secretary RDC MIMAROPA at Asst. Regional Director NEDA MIMAROPA.
Sakop ng Development AdministrationCommittee ang mga sumusunod na areas: Good Governance and Institution Building;
Socioeconomic Planning Peace and Security;
Law Enforcement and Administration of Justice;
Communication and Advocacy Productivity Enhancement
Development at Finance and Regional Budgeting (Junard Acapulco/CIO).



