Naging kaisa ng mga MindoreƱo si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo sa masayang ‘Fiesta MAHAL TANA 2022, 72nd Founding Anniversary Celebration ng Oriental Mindoro.
Sa ‘Gabi ng Pagdiriwang’ ay kasama si Mayor Malou sa mga taong nakikipagsiksikan upang saksihan ang mga programang nakapaloob sa naturang okasyon.

Gabi noong Nobyembre 15, 2022, ay naging hitik sa samut-saring kaganapan ang ‘Gabi ng Pagdiriwang’, sapagkat kasabay nito ang Ceremonial Switch On of Salong Dagitab Christmas Festival 2022 at Opening of Salong Dagitab Food and Product Bazaar.

Higit na nagpatingkad ng okasyon ang pagsisindi ng Fireworks Display na naging hudyat ng pagsisimula ng Street Party na kung saan ay bumida dito ang mga local bands ng probinsya gaya ng Parak en Roll Band, Kids Can Tell Band, Hulo Band, Uplifter Island Music Band, After Taste Band, Promdi Band, Mushroom Band, Alona Band at Sequence Band.

Naging guest performer naman ang sikat na Hale Band na nagbigay aliw sa pamamagitan ng kanilang nagmarkang mga awitin gaya ng “The Day you said Goodnight” at “Kung wala ka”.
Samantala, ikinatuwa ng marami nang ianunsyo ni Governor Bonz Dolor ang munting regalo niya sa mga Chikitings.

May libreng drink cocktails at beers din mga manunuod.
Nagtapos ang masayang okasyon na matiwasay dahil sa mga nakaantabay na mga kapulisan, sundalo, mga kawani ng PDRRMD at Public Safety Department ng Calapan City (Junard Acapulco/CIO).