Pormal na pinagtibay ang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na kinatawan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng Blue Alliance Philippines na nirepresinta naman ni 𝗠𝗣𝗔 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗕𝗼𝗻𝗶𝗳𝗮𝗰𝗶𝗼 𝗧𝗼𝗯𝗶𝗮𝘀 para sa 𝑺𝒕𝒓𝒆𝒏𝒈𝒕𝒉𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒓𝒕𝒏𝒆𝒓𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒊𝒏 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒆𝒓𝒗𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚.

Ang nasabing MOA Signing ay ginanap sa Silonay Mangrove Conservation and Ecopark, Pebrero 23, 2023 na sinaksihan naman ng mga opisyales mula sa City Government of Calapan sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 kasama ang ilan sa mga konsernadong department heads at program managers tulad nina 𝗙𝗠𝗢 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, City Tourism Culture and Arts Officer 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱, City Legal Officer 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼 at si 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴.

Mula naman sa kabalikat na organisasyon ay kasama ring sumaksi sa paglagda sina 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗮𝘀 𝗣𝗮𝘀𝗰𝗮𝗹, 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗾𝘂𝗲 𝗕𝗿𝗮𝘁𝗵𝘄𝗮𝗶𝘁𝗲 at 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗮𝘂𝗹𝗼𝗻 ng 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲. Samantalang mula sa Blue Alliance ay nanduon din sina 𝗗𝗲𝗻𝗺𝗮𝗿𝗸 𝗥𝗲𝗰𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 at 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴.

Layunin ng kasunduan ng dalawang partido na magkaroon ng pagtutuwang sa pagapapa-unlad at paglalagay ng proteksyon sa coastal resources ng lungsod at magamit ito ng lubos sa kapakinabangan ng mga komunidad sa mga baybayin at ng Lungsod ng Calapan sa pangkalahatan.

Dahil ang kasalukuyang administrasyon ni Mayor Morillo ay bumuo ng 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑭𝒓𝒂𝒎𝒆𝒘𝒐𝒓𝒌 na kinakapalooban ng haligi nito na, 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑬𝒄𝒐𝒏𝒐𝒎𝒚, 𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 and 𝑬𝒒𝒖𝒊𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔 na kung saan pangunahin dito ang pagpapaunlad ng marine resources ay tumutugma ito sa mga adbokasiya ng Blue Alliance tulungan ang mga LGU’s sa pamamahala ng 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍𝒍𝒚-𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒅 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒓𝒆𝒂𝒔 na nakabatay naman sa mga pundasyon nito na: Community Development and Engagement; Biodiversity Conservation and Science; Sustainable Revenues; Management and Infrastructure; and Enforcement and Compliance.

Nakapaloob sa kasunduang ito ang 16 na Collaborative Activities na nais isakatuparan na nakatuon sa pagpapalawig ng mga Marine Protected Areas at pagpapalakas ng mga polisiyang kaugnay sa higit pang pagpapaunlad ng marine biodiversity sa lungsod.

Sa mahalagang okasyon na ito ay naroon din ang mga pamunuan ng Barangay at representante mula sa 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 gaya nina 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂, 𝗦𝗡𝗣𝗦 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁/𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗕𝗼𝗯𝗯𝘆 𝗩𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝗮 at 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗳𝗼𝗹𝗸 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿/𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗟𝗲𝗺𝘂𝗲𝗹 𝗚𝗮𝗵𝗼𝗹.

Dito ay dumalo rin si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Blue Alliance at iba pang katuwang sa mga programa para sa kalikasan. Bilang suporta, ang Sangguniang Panlungsod aniya ay nakahandang maglaan ng pondo upang higit pang mapaganda ang mga diving sites sa lungsod.

Walang katumbas na pasasalamat naman ang nais ipahatid ng mensahe ni City Mayor Malou Morillo sa mga tulong na ibinibigay ng Blue Alliance at Blue Finance upang matupad ang kanyang magandang pangarap na Green City of Calapan. Bagamat malaki aniya itong hamon subalit matibay ang kanyang paniniwala na posible itong mangyari kung kasama niya ang taumbayan ng Calapan City.

Binigyang-diin din ng alkalde na isa sa mga flagship program ng kanyang administrasyon ay ang maayos na pagmamahala at pangangalaga sa marine environment at pangisdaan kung kaya’t prayoridad n’ya ang paglikha ng Fisheries Management Department na kasalukuyang dinidinig sa Sangguniang Panlungsod.

Ang mga hindi na mabilang na mga tulong mula sa Blue Alliance ay bunsod ng nakikita nitong sinsero at mataas na antas ng ginagawang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaunlad at proteksyon sa katubigang sakop nito.

Matapos ang MOA Signing ay sinundan ito maikling pagpupulong sa pagitan pa rin ng Blue Alliance at ni Mayor Malou tungkol naman sa implimentasyon ng 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑴𝒂𝒏𝒈𝒓𝒐𝒗𝒆 𝑪𝒓𝒂𝒃 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒆𝒂 𝑪𝒖𝒄𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓 𝑭𝒂𝒓𝒎𝒊𝒏𝒈 and 𝑯𝒂𝒕𝒄𝒉𝒆𝒓𝒚/𝑵𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝒚 na nakatakda na ring ipatupad sa Lungsod ng Calapan.