CITY GOVERNMENT OF CALAPAN AT SARILAYA, MAGKATUWANG SA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT KALIKASAN

Matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Calapan ang Soft Launching ng SARILINGAP Wellness Hub kasabay ng Ceremonial Planting of

Medicinal Plants sa pagtutuwang ng SARILAYA at ng City Government of Calapan kasama ang iba’t ibang PO’s gaya ng Kalapenya at Solo Parents Federation na miyembro ng People’s Council of Calapan City. Kabahagi rin dito ang Provincial Government of Oriental Mindoro at ilan pang NGO’s tulad ng SALIKA at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM).

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Bulusan Natures Park noong nakalipas na Hulyo 8, 2024 na dinaluhan ng mga representante at miyembro ng mga naturang samahan gayundin ng miyembro ng Sangguniang Barangay na silang pilot beneficiaries ng proyekto na kinabibilangan ng mga Barangay ng Ilaya, Bulusan at Bondoc.

Ang mga Department Heads, Program Managers ng City Government of Calapan sa pangunguna ni City Administrator Ms. Penelope Belmonte, Ms. Ellaine Kris Diomampo, Special Assistant on Community Development, Mr. Jaypee Vega, Focal Person on Barangay Affairs and Sectoral Concerns, Former City Councilor Mylene De Jesus, Ms.Agatha Ilano mga BHW at BNS ay naroon din upang saksihan ang mahalagang kaganapan na tiyak na magbibigay ng positibong epekto sa buhay ng Calapeno.

Ang SARILINGAP Wellness Hub ay proyekto ng SARILAYA (Kasarian at Kalayaan Incorporated) sa ilalim ng SARIGINHAWA (Wellness) na ang layunin ay makapagbigay skills ng training for wellness and alternative modalities. Samantala, sa ilalim naman ng SARIBINHI (Agriculture) ay nakapaloob ang pagtatayo ng mga plant nursery at seed banking, isa na dito ang pagtatanim ng medicinal herbs.

Kabilang pa sa apat na components ng SARILINGAP ay ang SARI-UNLAD (Livelihood) na nakatuon sa economic aspect na kung saan ay dito naman papasok ang mga naging benipisyo mula sa SARIBINHI at SARIGINHAWA gaya ng planong pagtatayo ng proseso ng alternative health remedies mula sa itatanim na medicinal herbs sa lugar.

Ang SARIBUKLOD (Organizational Empowerment) naman ay ang organizing component na bumubuo ng local chapters ng SARILAYA, dahil sa maayos at organisado ang People’s Council of Calapan City sa pamumuno ni PC3 President Ms. Doris Melgar, ay ito ang kinikilala bilang cooperator ng SARILINGAP sa lalawigan.

Ayon kay Ms. Myrna Jimenez ang inilunsad na programa ay tugon sa after pandemic recovery program na may pagsunod sa ‘Traditional and Alternative Medicine Act of 1997’.

Sa pagtutuwang ng Lokal na Pamahalaan at ng pribadong samahan gaya ng PC3 bilang program platform ay nabubuhay ang participatory governance sa pagsusulong ng kagalingang pangkalusugan at pangkalikasan.

Binigyang-diin ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang mga puntos kung bakit hindi ito nag-atubili na tanggapin ang nasabing programa, aniya akma ito sa tinatahak ng kanyang administrasyon na tiyaking malusog ang kanyang mga minamahal na kababayan habang kasabay nito ay niyayakap din ang kalikasan. Panawagan ng alkalde sa taumbayan na maging kaisa sa layunin ng pagbubuklod upang maging tuluy-tuloy ang tinatamasang tagumpay ng Lungsod ng Calapan.

Parte ng mahalagang okasyon ang isinagawang ‘Paglagda sa Kasunduan ng Pakikiisa’ na ginampanan ng mga kinatawan ng mga samahan at institusyon na kinabibilangan ng mga sumusunod: Hon. City Mayor Marilou F. Morillo – City Government of Calapan, Ms. Myrna H. Jimenez – SARILAYA, Secretary General, Hon. Carmelita Manibo – Barangay Bulusan, Hon. Jesusa Narsoles – Barangay Ilaya, Hon. Jerry Delos Reyes – Barangay Bondoc, Ms. Doris Melgar – PC3 President, Ms. Melanie Cabuhat – KALAPENYA President, Mr. Ed Dela Torre – PRRM, Mr. Lino Carandang – SALIKA General Manager, Ms. Annabelle Quitos – Calapan City Solo Parent Federation President, Ms. Mercy Gonzales – BNS Federation President, Ms. Yolanda Dapito – BHW Federation President.

Nagtapos ang programa sa pagsasagawa ng ceremonial planting ng nasa mahigit 50 uri ng medicinal plants sa paligid ng Bulusan Natures Park.

Inaasahan na maliban sa pangunahing layunin ng SARILINGAP para sa kalusugan at kalikasan ay aambag din ito sa paglago ng turismo sa Lungsod ng Calapan.