Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo,
kasama si City Councilor, Atty. Jel Magsuci ang “City Financial Assistance Payout” sa Kalap Covered Court, Calapan City Hall, Barangay Guinobatan, nitong ika-6 ng Mayo.
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang nasa kabuuang 150 na benepisyaryong Calapeño na mula sa iba’t ibang sektor na mayroong pangangailangan sa usaping medikal.
Dagdag pa rito, patuloy rin na ibinababa ang Expande Health Program, at mayroon ding inilaang pondo ang Punong-lungsod, Mayor Morillo, para suportahan ang mga Calapeño, para sa mga bayarin sa kanilang pagpapagamot sa mga ospital, bilang pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan ng lungsod.
Matagumpay na naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangangasiwa ng pamunuan ng City Social Welfare and Development Department na pinamumunuan ni CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW, Serbisyong TAMA Center, sa pamumuno ni STC Program Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, at City Treasury Department na pinamumunuan ni City Treasurer, Mr. Nicasio D. Catapang.
Samantala, nagpakita rin ng pagsuporta sa nasabing aktibidad sina Chief of Staff, Mr. Joe Umali, Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), at Ms. Mylene De Jesus (Volunteer).