VISION
Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department will continue to provide professional emergency response and services in the pursuit of a safe and resilient City of Calapan
MISSION
Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department strengthens its disaster preparedness and emergency response system to establish a well-equipped and disaster-prepared city to protect the residents of Calapan City, reducing loss of lives and negative impacts of disaster on economy and environment. It promotes equal and just utilization of government resources, properties, and advocates public preparedness to mitigate against, prepare for, respond to, and recover from all related hazards.
Ang Calapan City 911 ay isang makabagong mobile application na idinisenyo, gamit ang teknolohiyang GPS at “real-time monitoring”. Natutukoy ng sistema ang lokasyon ng insidente upang mas mabilis na maiparating ang impormasyon sa mga kinauukulang ahensya at responders.
Ang ganitong sistema ay nakatutulong upang mapahusay ang koordinasyon sa pagitan ng mga mamamayan, barangay, at lokal na pamahalaan.
Bukod sa “emergency reporting”, nagbibigay rin ang Calapan City 911 ng mahahalagang anunsyo, babala, at impormasyon ukol sa kaligtasan ng komunidad. Layunin nitong maging isang maaasahang kasangkapan upang mapanatiling ligtas, handa, at konektado ang bawat residente ng Calapan sa oras ng pangangailangan.
Paano magkakaroon ang inyong mga smartphones ng Calapan City 911 App?
- I-download ang Calapan City 911 App sa iyong cellphone:
- Para sa Apple (iOS): I-click ang button sa ibaba upang pumunta sa App Store.
- Para sa Android: I-click ang button sa ibaba upang pumunta sa Google Play Store.
- 2. Sundin ang mga sumusunod na instruction para sa pagpaparehistro.
Paano magagamit ang Calapan City 911 App sa unang pagkakataon?
- Buksan ang App: I-tap ang icon ng Calapan City 911 App sa screen ng iyong cellphone.
2. Pagsang-ayon sa Kasunduan:
- I-tap ang [PRIVACY] at [LICENSE AGREEMENT] upang basahin ang mga tuntunin.
- Pagkatapos basahin, lagyan ng check ang maliit na box at i-tap ang [MAGPATULOY].
3. Pagpasok ng Cellphone Number:
- Ipasok ang active na cellphone number na iyong ginagamit at i-tap ang [KUMUHA NG OTP].
- (I-tap ang [BUMALIK] kung nais mong magbago ng impormasyon sa nakaraang screen).
4. Pagsusuri ng OTP (One-Time PIN):
- Hintayin ang OTP na ipapadala ng Command Center sa pamamagitan ng SMS.
- Ipasok ang natanggap na OTP at i-tap ang [IPASA].
- (Kung walang natanggap na OTP, i-tap ang [BUMALIK] at piliin ang [I-RESEND ANG OTP]).
5. Pagkumpleto ng Profile:
- Ipasok ang mga hinihinging personal na impormasyon.
- I-tap ang [IPASA] upang mai-save ang iyong impormasyon sa system.
Bingo! Handa na ang iyong Calapan City 911 App para sa paghingi ng saklolo sa Command Center sa oras ng emergency.
Paano Gamitin ang App sa Oras ng Emergency
Sa HOME screen button , matatagpuan ang mga pangunahing tampok at button:
- ALERT BUTTON
– Kailan gagamitin: Kung ikaw mismo ang nasa gitna ng emergency o panganib.
– Paano gumagana: Pagka-press ng button, makakatanggap agad ang Command Center ng “Alert Message” kasama ang iyong lokasyon.
Tandaan: Agad na tatawag ang Command Center sa iyong cellphone, kaya siguraduhing nakahanda itong sagutin.
- REPORT BUTTON
– Kailan gagamitin: Kung may nakikita o nasasaksihan kang emergency situation na kailangang i-report.
– Paano gumagana: Makakatanggap ang Command Center ng “Report Message”. Tatawag sila sa iyo upang alamin ang buong detalye ng insidente.
Paalala sa Pagpapadala ng Alert / Report:
Pagkatapos i-press ang [ALERT] o [REPORT], lalabas ang confirmatory screen. May 5 segundo ka upang i-cancel ang pagpapadala sa pamamagitan ng pag-tap sa I-CANCEL ANG ALERT. Kapag lumipas ang 5 segundo nang hindi ito na-icancel, awtomatikong maipapadala ang mensahe sa Command Center.
Iba Pang mga Button at Feature sa App
I-tap ito upang makita ang talaan ng mga numero at lokasyon ng mga ahensiya ng gobyerno, ospital, at health centers.
I-tap ito kung nais mong baguhin o i-update ang iyong personal na impormasyon.
I-tap ito kung nais mong mag-Logout o mag-Unsubscribe sa app.