Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ang mga miyembro ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖) ay nagsagawa ng pagpupulong sa Conference Hall ng Executive Department Building, New City Hall, Calapan City, nitong ika-4 ng Abril.
Tinalakay at binigyang pansin sa aktibidad na ito, ang tungkol sa mga sumusunod: Weather Forcast for April, CDRRMD Oplan Sagip Buhay, PNP Implementation Plan for Semana Santa, PSD Traffic Management for Semana Santa, Oil Spill updates, at iba pa.
Dumalo rin sa naging pagpupulong na ito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗟 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲, 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗘. 𝗟𝗼𝗿𝗶𝗻, 𝗝𝗿., 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁, 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 “𝗖𝗵𝗼𝘆” 𝗩. 𝗔𝗯𝗼𝗯𝗼𝘁𝗼, 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗧. 𝗘𝘀𝗰𝗼𝘀𝗼𝗿𝗮, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱.
Batid ng butihing Ina ng Lungsod na dapat bigyang pansin ang mga hakbang na makabubuti para sa mga mamamayan, kung kaya’t ang mga planong inilatag ay mas lalong pinagtitibay, upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, lalo na ngayong Semana Santa.







