Muling nagtipon ang mga miyembro ng City Development Council upang magkaroon ng isang Full Council Meeting sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, ika-4 ng Nobyembre.
Sa pangunguna ni City Mayor Malou F. Morillo bilang Chairman ng CDC at ni EnP. Joselito R. Bautista na siyang Kalihim ng CDC ay pinagpulungan ang mga sumusunod na agenda: CDC Resolution No. 13 – 2022, CDC Resolution No. 14 – 2022, CDC Resolution No. 15 – 2022, at iba pang mga bagay o concerns na inilapit ng mga miyembro ng konseho.
Dito ay pormal na ipinrisinta ang nilalaman ng tatlong resolution na masusi namang pinag-aralan at pinagdiskusyunan ng buong konseho para sa tuluyang adoption at pag-endorso ng mga nabanggit na resolusyon sa Sangguniang Panlungsod.
Naibahagi din na 17 pa lamang ang mga CSO na accredited sa lungsod ng Calapan kaya’t patuloy na hinihakayat ang iba pang CSO na asikasuhin na ang pagpapa-accredit nang sa gayon ay mabuo na ang People’s Council ng Calapan.
Naging produktibo naman ang pagpupulong dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga Civil Society Organizations at mga Punong Barangay na ilapit ang kanilang mga problema sa kanilang mga nasasakupan.
Ito naman ay agad na tinugunan ng Punong Alkalde kasama ang ilan sa mga hepe na nakatalagang rumesponde sa mga usapin gaya ng mga information dissemination ng mga ordinansa at batas na ipinatutupad, infrastructures, kaayusan at kalinisan, kalusugan, at disaster preparedness.
Kasama naman ng Punong Alkalde ang mga ehekutibo ng konseho na sina Hon. Roberto L. Concepcion (Chairman, SP Committee on Finance, Budget, and Appropriations), Hon. Dennis A. Rojas (President, Liga ng mga Barangay), at Hon. Noel Cirujano (President, City SK Federation); samantala, dumalo naman via Google Meet sina Congresman Arnan Panaligan, Vice Mayor Bim Ignacio, at Former Governor Chippy Espiritu.




