City Development Council Full Council Meeting 2024

Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, matagumpay na isinagawa ang “City Development Council Full Council Meeting 2024” noong Setyembre 26 sa Calapan Recreational and Zoological Park Pavilion, Barangay Bulusan. Pinag-usapan dito ang mga resolusyon na isinumite para pagtibayin ng konseho. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga regular na miyembro ng CDCC, mga Department/Office Head, Program Managers ng lungsod, mga Punong Barangay, mga kasapi ng Civil Society Organization (CSO), at mga kinatawan mula sa iba’t ibang Sangguniang Barangay.