Board of Trustees Special Meeting, dinaluhan ng mga kapita-pitagang miyembro ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗲𝘀 na sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗟. 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻, 𝗦𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝗽𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻), 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗢. 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿), 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿), 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮 (City Education Department 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿), 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗙. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, 𝗗𝗣𝗔 (𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿), 𝗠𝗮. 𝗔𝗺𝗮𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗻𝗻𝗮 𝗠. 𝗖𝘂𝗮𝘀𝗮𝘆, 𝗘𝗱.𝗗. (𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗙𝗮𝗰𝘂𝗹𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗲), 𝗠𝗿. 𝗞𝗲𝗻𝗻𝗲𝘁𝗵 𝗧. 𝗘𝗻𝗿𝗶𝗾𝘂𝗲𝘇, 𝗟𝗣𝗧 (𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻), at 𝗠𝗿. 𝗗𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴𝗼 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗼𝗹𝗮 𝗜𝗜 (𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗮𝗿𝗹𝗶𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁), ginanap sa Conference Room, New City Hall, Barangay Guinobatan, Calapan City nitong Miyerkules, ika-08 ng Pebrero 2023.
Ang isinagawang pagpupulong ay para sa presentasyon ng Full-time at Part-time Contract of Service Teachers ng City College of Calapan para sa second semester ng academic year 2022-2023.
Naging daan ito para makilala ang 34 na full-timer Teachers at 13 na part-timer Teachers ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan.
Sa huling bahagi ng aktibidad, nagpahatid ng pagbati at naghandog ng panghuling mensahe ang ilan sa mga kasapi ng CCC Board of Trustees para sa mga huwarang guro na tapat at buong pusong iniaalay ang kanilang buhay para sa larangan ng pagtuturo.
Dagdag pa rito, nag-iwan din ng isang makabuluhang mensahe ang kinikilalang ulirang guro na tinitingala ng lahat na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝘆𝗻 𝗘. 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗴𝗯𝗮𝘀 para magpasalamat sa Pamahalaang Lungsod, magpahayag ng kanyang saloobin, at bigyang pagkilala ang kanyang mga kapwa guro.







