Sa ikatatlong gabi ng pagdaraos ng 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒎𝒂𝒔 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕𝒍𝒚 𝑺𝒉𝒐𝒘𝒔 na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamahala ng City Tourism, Culture and
Arts Office, bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟰 na nakaangkla sa temang “𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏𝒈 𝑺𝒕𝒐. 𝑵𝒊𝒏̃𝒐: 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐́ 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐”, 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 naman ang nanguna sa pagpapasiklab ng kanilang Christmas Presentation, na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-17 ng Disyembre.
Tampok sa makabuluhang aktibidad na ito ang natatanging presentasyon ng mga guro at mga batang mag-aaral na mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Calapan na nagpasaya, nagpamangha, at nagpaindak sa mga manonood, sa pamamagitan ng kani-kanilang mga inihandang pampasiglang bilang, kung saan may nagtanghal ng sama-samang pagsayaw, pag-awit, at iba pa na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ang naturang gawain ay dinaluhan at sinaksihan nina 𝗠𝘀. 𝗡𝗮𝗻𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗠. 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗴𝘂𝗶𝘄𝗮 (𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻), at 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗶𝗴𝗮𝗼 (𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻), gayundin ng mga School Heads, mga guro, mag-aaral, at magulang.