CHINESE NEW YEAR 2025 Welcoming the Year of the Snake: Unity in Diversity

Sa paglalayon ni City Mayor Malou Flores-Morillo na mas pasiglahin at palakasin pa ang ugnayan ng Calapeno at ng Chinese Community dito sa Calapan, huling araw ng Enero, isinagawa ang kauna-unahang

selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod. Ayon sa Ina ng Lungsod, ang aktibidad na ito ay pagpapakita din ng ating pagkilala sa kultura at tradisyon ng mga kapatid nating Chinese dito sa Calapan. Sa pamamagitan ng gawaing ito aniya pa, madaragdagan din ang event tourism at pagpapahalaga sa naging ambag ng mga Filipino-Chinese sa komersyo at ekonomiya ng Calapan, dahil karamihan sa mga ito ay negosyante sa ating lungsod. Mahalagang bahagi ng pagdiriwang ang Lion at Dragon Dance, kung saan makikita ang pagsayaw ng makukulay na Lion at Dragon sa saliw ng malakas na tunog mula sa tambol at gong na nagpamahanga sa mga dumalo, lalo na sa mga batang first time makapanood nito. Pinaniniwalaan namang nakapagtataboy ng malas sa negosyo man o sa tahanan ang Lion Dance na may mas dramatikong galaw. Nakagawian naman ang pagsusuot ng pula sa paniniwalang naka-aakit ito ng positive energy at suwerte, kasabay ng pagpapalayo o pagtataboy ng malas.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791