Child Representative General Assembly

Masayang binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa ABC Session Hall, City Hall Complex, nitong ika-1 ng Hulyo

ang mga Child Representative mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan na aktibo at sama-samang nakibahagi, para sa “General Assembly” na pinangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department na pinamumunuan ni CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pakikisangkot ang mga kabataan sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging isang lider na may kakayanang makatulong sa pagpapalaganap ng kaayusan at kapayapaan sa kani-kanilang barangay sa suporta at gabay ng CSWDD.