Coordination, Spirit, Gracefulness, Flexibility & Energy, lahat nang iyan ay sinukat upang tanghalin ang kampyon sa ‘𝗖𝗵𝗲𝗲𝗿𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻’ na kabilang sa mga aktibidad na nakapaloob sa 𝗖𝗚𝗖𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗖𝗦 na isinagawa nitong Marso 18, 2023 sa Calapan City Convention Center.

Dito ay kumpleto ang pitong mga pambato ng bawat koponan na kinabibilangan ng 𝗣𝘂𝗿𝗽𝗹𝗲 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀, 𝗥𝗲𝗱 𝗛𝗼𝘁 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗹𝗶 𝗣𝗲𝗽𝗽𝗲𝗿𝘀, 𝗧𝗔𝗻𝗴𝗲𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗔𝗿𝘃𝗲𝗹𝘀, 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗟𝗮𝘄 𝗠𝗮𝗸𝗲𝗿𝘀, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀, 𝗬𝗲𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀 at 𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀.

Upang tiyaking patas ang magiging resulta ng kompetisyon ay mula sa labas ng City Government ang mga tumayong hurado, sila ay sina:

𝗠𝗦.𝗦𝗛𝗘𝗥𝗜𝗗𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗖𝗔𝗟𝗗𝗢

Culture & Arts Coordinator of MINSU

Former Theatre & Dance Troupe Adviser of HIA

PE Teacher

High School & College Dance Troupe Member

𝗠𝗥. 𝗥𝗢𝗕𝗘𝗥𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

Event Planner, Host, Stage Director

High School Teacher, Satrinon School, Nonthaburi Rankamhaeng University English Project, Thailand (2006-2010)

English Conversation Teacher for Kids Smile School (Eikaiwa), Japan (2011-2021)

English Teacher, Yomenomori Child Care School, Japan (2015-2021)

𝗠𝗦. 𝗠𝗜𝗖𝗛𝗘𝗟𝗟𝗘 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡

Teatro Anak Dagat Member

PGOM Dance Company from 2008-present

3-time Champion PGOM Cheer Dance Competition

Champion PGOM HATAWANAN 2022

Laboratory Aide II-PAgO

Ang bawat kalahok na koponan ay minarkahan base sa mga sumusunod na criteria:

• Performance (fluidity of movement, precision, coordination, synchronization, and showmanship) – 35%

• Choreography, Creativity, Style and Formation- 35%

• Costume and Props- 15%

• Anniversary Shirt- 5%

• Audience Impact- 10%

Sa bawat pagtatanghal ng bawat koponan ay nasaksihan ang kanilang mga inihandang stunts, formation, at routine na sinasabayan pa ng kanilang cheers at chants. Dahilan upang lalong umugong ang malakas na sigawan at palakpakan sa loob ng Convention Center. Bagamat mahuhusay at halos walang tulak-kabigin sa mga performances ay sadyang may kailangang maitanghal na panalo sa kompetisyon.

Para sa Cheer Dance Competition 2023 ay tinanghal na:

• 𝟲𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 – Yellow Finance Masters (trophy + P5,000)

• 𝟱𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 – Purple Defenders (trophy + P5,000)

• 𝟰𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿𝘀 – Red Hot Chilli Peppers & Green Knights (trophy + P5,000 each)

• 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 – Blue Law Makers (trophy + P10,000)

• 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 – Tangerine Marvels (trophy + P15,000)

• 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – Pink Panthers (trophy + P20,000)

Upang ipakita ang pagmamahal sa kanyang kapwa kawani ng Pamahalaang Lungsod ay nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa nasabing aktibidad. Dito ay kanyang sinabi na ang araw na ito ay sadyang inilaan upang ang mga tagapaghatid naman ng mga serbisyo sa Taumbayan ang bigyang pagkilala. Ipinangako ng Punonglungsod na sa susunod na taon ay mas magiging masaya at bongga ang ihahandang aktibidad para sa mga empleyado.

Ang matagumpay na gawain ay naisakatuparan sa pagtutuwang ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 at 𝗻𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan naman ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻.