Dumalo si City Mayor Malou F. Morillo sa ikatlong araw ng Formulation Training Workshop ng City Disaster Risk Reduction and Management Council nitong ika-12 ng Oktubre.
“Dapat laging handa,” iyan ang nais ipaabot ng Punong Alkalde sa konseho at dahil una ang taumbayan sa Administrasyong Morillo-Ignacio, isinagawa ang 5-Day Formulation Training Workshop ng CDRRMC upang makapagbuo ng konkretong Disaster Risk Reduction and Management Contingency Plan para sa C.Y 2023-2025 muka ika-10 hanggang ika-14 ng Oktubre.
Nahati sa anim na grupo ang konseho upang gumawa ng mga plano para sa mga hazards na itinalaga sa kanila. Ang mga hazards na natukoy at pagtutuunan ng pansin ay ang baha, bagyo, lindol, tsunami, storm surge, at emerging and re-emerging infectious diseases (EREID).
Bawat hazard ay pag-aaralan ang mga hakbang na dapat i-implementa sa oras ng sakuna, maging ang mga makinarya, kagamitan, at bilang ng relief goods na kakailanganin para sa tatlong taon.
Maliban sa pagbuo ng Contingency Plan, layunin din ng training na mas mapaigting ang mga isinasagawa ng local government unit bilang tugon sa disaster risk reduction and management sa pamamagitan ng mas maayos na samahan ng departamento, CSO, pribadong sektor, at mga community disaster volunteers.
Ang nasabing training ay pinangungunahan ni Mayor Malou at Vice Mayor Bim Ignacio bilang sila ang Chairman at Vice Chairman ng CDRRMC at mula naman sa inisyatibo ng CDRRMO sa pamamahala nina Mr. Dennis T. Escosora (City DRRM Officer), Engr. Angelica F. de Leon (Research & Planning Officer), at Mr. Jacques B. Concepcion (Administrative & Training Officer).
Naimbitahan naman bilang tagapagsanay sina Ms. Nieves L. Bonifacio (Asst. Regional Director & DRRM Chief, Office of the Civil Defence – MIMAROPA), Ms. Jonalyn Escartin (Asst. Chief, Capacity Building & Training Section. OCD – MIMAROPA), at Mr. Anthony Zoleta (Training Officer, Province of Marinduque).





