CDRRM COUNCIL 2ND QUARTER MEETING

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at CDRRMD Head Mr. Dennis T. Escosora ang pulong kasama ang

mga miyembro ng CDRRM Council upang talakayin ang kahandaan ng komunidad para sa nalalapit na panahon ng La Niña, ayon sa forecast ng PAGASA. Binigyang pugay rin ang natamong 23rd GAWAD KALASAG SEAL ng City of Calapan bilang Top 3 Component Cities.

Binigyang-diin sa pulong ang kahandaan ng bawat departamento sa anumang sakuna o bagyo na maaaring dumating. Ang bawat sektor ay nagbahagi ng kanilang mga plano at inisyatibo para sa disaster risk reduction and management. Ang ORMECO at Waterworks Corporation naman ay nagpahayag din ng kanilang commitment na magbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo kahit pa man dumating ang malakas na ulan o bagyo. Naging pagkakataon rin ito upang maipaabot ni Mayor Morillo bilang ina ng lungsod ang ilang mga hinaing ng mga Calapeño bilang mga consumers.

Naging bahagi rin ng pagpupulong CDRRMD UPCOMING PPAS at ang Approval ng dalawang CDRRMC Resolution:

* CDRRMC RESO NO.06-2024

* CDRRMC RESO NO.005-2024

Ang pulong ay nagtapos sa isang positibong tala na mayroong malinaw na plano at koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang sektor upang harapin ang nalalapit na panahon at tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.