Bilang siyang Chairperson ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ay muling pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho para
sa unang kwarter ng taon, Marso 12, 2024, Executive Department Building, Conference Hall.
Dito ay tinalakay ang mga sumusunod na Agenda: PAGASA Weather Outlook na tumuon sa El Niño Update at ang magiging lagay ng panahon mula Marso hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon; African Swine Fever (ASF) Response Operations; Kalap Festival Safety and Disaster Preparedness IMT; OPLAN Sagip Buhay (SEMANA SANTA 2024); Approval, Adoption, and Endorsement of CDRRMC Resolutions.
Ang naturang pagpupulong ay pinangasiwaan ng mga kawani mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Department sa pamumuno ni CDRRMD Officer Dennis Escosora at dinaluhan ng mga kasapi ng CDRRMC na kinabibilangan ng mga konsernadong departamento ng City Government of Calapan sa pangunguna ni City Administrator/City Legal Officer Atty. Rey Daniel Acedillo, representante mula sa iba’t ibang National Agencies, NGO’s at Volunteers.