Tuluy-tuloy na pagtulong, para sa mga hog raiser, iyan ang buong pagsusumikap na ginagawa nina City
Mayor Marilo Flores-Morillo at Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor, para sa mga Calapeñong naapektuhan ng African Swine Fever, kaya naman nitong ika-17 ng Abril, sa ilalim ng programang “Cash Relief Assistance to ASF/El Nino Affected Families” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa kabuuang 458 na pamilyang benepisyaryo nito sa Lungsod ng Calapan na naapektuhan ng ASF ang dumaan sa proseso ng verification, checking of requirements, at interview, bago isagawa ang payout.
Ang naturang gawain ay pinangasiwaan ng Provincial Government of Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development sa pamumuno ni PSWD Officer Zarah Carandang Magboo, katuwang ang City Government of Calapan, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department, sa pamumuno ni CSWD Officer Ms. Juvy L. Bahia, RSW, at City Veterinary Office, sa pamumuno ni City Veterinarian, Dr. Feby Dar C. Manlicmot.