Magugunitang kamakailan lamang ay bumisita sa City Hall ang mga opisyales mula sa Presidential Commission for Urban Poor (PCUP) sa pangunguna ni Atty. Debbie Calupitan, ito ay upang makipagdiyalogo kay City Mayor Malou Flores-Morillo sa pakikipagtuwang upang tugunan ang isyu ng kahirapan sa Lungsod ng Calapan.

Dahil nais ni Mayor Malou ang mabilisang pagtugon sa bawat problema agad sinimulan ang inisyal na hakbang sa pamamagitan ng Capability Training for Urban Poor Leaders- Orientation on Paralegal na ginanap noong Nobyembre 24,2022, sa Session Hall ABC Building, City Hall Complex Calapan City.
Dinaluhan ito ng 32 officers and members ng Homeowners Associations sa Calapan City gaya ng City Ville HOA, Nazareno HOA,

Suqui Sunshine Village HOA Inc., MAV-HAI Phase I, Christian-Muslim Northville HOA Inc., San Antonio Neighborhood Association Inc., SUGSANAI HOA at Hyresville HOA.
Dito ay naging tagapagsanay ang mga kawani mula sa PCUP na sina Mr. Rhinelan Lachica,Area Coordinator at Mr. Lord Cedie Subia,Community Organizer.

Layunin nito na bigyan ng sapat na kaalaman at kapabilidad ang mga Urban Poor Leaders sa pagtugon sa mga isyu ng kahirapan at usaping pangkaunlaran lalo’t higit sa bahagi ng pabahay na isa pa rin sa malawakang problemang kinakaharap sa ngayon ng ating bansa.

Importante na ang bawat lider ng mga People’s Organizations gaya ng Homeowners Association ay naiintindihan ang mga polisiya at programang ipinatutupad mula sa lebel ng Barangay, Munisipalidad/Lungsod at maging ng Pamahalaang Nasyunal nang sa gayon ay naipapaabot din ito ng tama at epektibo sa bawat kasapi.

Bilang kinatawan ng Punonglungsod sa naturang aktibidad ay sinabi ni CA Atty. Reymund Al Ussam sa harap ng mga partisipante na ikinatutuwa umano ng Pamahalaang Lungsod ang pagdating ng mga representante mula sa PCUP sapagkat malaking tulong ito sa pagsasakatuparan ng mga proyektong tutugon sa suliranin sa kahirapan gaya ng pagbibigay ng angkop at abot-kayang pabahay sa mga maralitang taga-lungsod na magbibigay ng seguridad at dignidad sa bawat pamilya.

Aniya pa, ang convergence o ang pagtutugma ng mga pambansang programa at programa ng Lokal na Pamahalaan ay lilikha ng karagdagang oportunidad para sa inklusibong pag-unlad.
Si City Mayor Morillo bilang ‘Ina ng Lungsod’ ay patuloy na kumikilos at nag-iisip ng mga kapamaraanan upang maibigay ang Tama at nararapat na programa, proyekto at serbisyo para sa CalapeƱo.

Ang naturang gawain ay pinangasiwaan ng City Housing and Urban Planning Department sa pamumuno ni Engr. Jojo Reyes (Junard Acapulco/CIO).