Nakilahok at nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙. 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶 𝗖𝗘𝗦𝗘 sa “𝑪𝒂𝒑𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑬𝒏𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝒇𝒐𝒓 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓𝒔 (𝑩𝑹𝑪𝒔)” na nakaangkla sa temang “𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗥𝗖 𝗜𝗻-𝗖𝗵𝗮𝗿𝗴𝗲”, ginanap sa ABC Session Hall, New City Hall, Barangay Guinobatan, nitong ika-17 ng Mayo.
Ang makabuluhang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 – 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗠𝘀. 𝗖𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗣. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗥𝗟, 𝗠𝗟𝗜𝗦, kung saan dinaluhan ito ng 𝟯𝟵 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 (𝗕𝗥𝗖) 𝗜𝗻-𝗖𝗵𝗮𝗿𝗴𝗲.
Nagsilbing tagapagsalita rito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, 𝗦𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗖. 𝗔𝗴𝘂𝗮 na buong puso at kahusayang nagbahagi ng kanyang kaalaman at natatanging karanasan na inaasahang makatutulong para sa mga BRC In-Charge at opisyal na aktibong nakilahok sa gawain.
Ayon sa butihing Ina ng Lungsod, natutuwa siya dahil mayroong ganitong uri aktibidad, kung saan kasangkot ang iba’t ibang Barangay para mas matulungan pa ang mga kabataan.




