Nitong ika-9 ng Oktubre, malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang Plaque of Appreciation mula sa National Food Authority (NFA), para sa aktibong partisipasyon nito sa “Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU)” ng nasabing ahensya. Ang naturang Plake ng Pagpapahalaga ay ibinigay sa punong-lungsod sa presensya nina City Accountant, Mr. Edgardo C. Basilan, CPA, at CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, sa pangunguna ng mga staff mula sa NFA Oriental Mindoro Branch na sina Mr. Dennis Mejico (Acting Branch Manager), Mr. Reynalde Bandola (Acting Asst. Branch Manager), Ms. Rona Monica Bunag (Acting Supervising Grains Officer), Ms. Felina Albo (Warehouse Supervisor), at Ms. Czarina Loren Gutierrez (Warehouse Supervisor Acting Branch Info. Officer) na nagbigay kortesiya kay Mayor Morillo, kaugnay sa PALLGU for Main Cropping Season of CY 2024.