Isa ang Lungsod ng Calapan sa mapalad na nakatanggap ng isang unit ng ambulansiya mula sa Bureau of Fire Protection nitong ika-10 ng Disyembre sa ginanap na Distribution and Turnover Ceremony of Ambulance (Type 1-Basic Life Support) sa BFP – National Head Quarters, Quezon City.

Sa pangunguna ni BFP MIMAROPA Regional Director CSUPT. Damian J. Rejano, Jr. ay dumalo bilang kinatawan ng Lungsod ng Calapan sina Mr. Allan Umali, Calapan City Executive Assistant, at SINSP Angel Lynn B. Salvador, Acting City Fire Marshal, Calapan City Fire Station.

Samantala, 86 units na bagong ambulansiya ang opisyal na ipinamahagi ng BFP sa pitong rehiyon sa bansa at kabilang nga rito ang MIMAROPA na nakatanggap naman ng limang units.

Naniniwala ang BFP na sila at ang mga local government units ay iisa pagdating sa layuning itaguyod ang isang malusog at mas ligtas na bansa (Thea Marie J. Villadolid/CIO).