Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the firebox domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6121

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the pdfp domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6121

Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the image-hover-effects-ultimate domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6121
CALAPAN CITY WELCOMES THE MUNICIPALITY OF ODIONGAN, ROMBLON – Calapan City Official Website

CALAPAN CITY WELCOMES THE MUNICIPALITY OF ODIONGAN, ROMBLON

Ngayong araw, ika-23 ng Setyembre, masayang sinalubong nina Mayor Malou Flores-Morillo at Vice Mayor Bim Ignacio ang delegasyon mula sa Odiongan, Romblon, sa pangunguna ni Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Odiongan. Sila ay bumisita sa Calapan para sa isang benchmarking activity, kung saan layunin nilang pag-aralan at malaman ang mga epektibong programa at proyekto ng lungsod.

Kasabay ng flag ceremony sa city hall isinagawa ang pagpapakilala sa mga bisita, kung saan mainit din silang sinalubong ng mga kawani ng Calapan LGU. Makikita ang sigla at diwa ng pagkakaisa habang binibigyang halaga ang ugnayan ng dalawang lokal na pamahalaan para sa patuloy na pagsulong ng mga makabagong inisyatiba sa kani-kanilang bayan. Ang naturang aktibidad ay inaasahang magbibigay daan sa pagpapalitan ng mga ideya at pinakamahusay na mga gawain para sa mas maunlad at mas episyenteng pamamahala.