CALAPAN CITY, MULING KINILALA SA GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING!

Muling napatunayan ng Lungsod ng Calapan ang maayos, masinop, at matinong pamamahala sa pananalapi matapos makamit ang Seal of Good Financial Housekeeping para sa taong 2024. Ang

pagkilalang ito ay patunay ng tapat at episyenteng pamamahala sa pondo ng lungsod, na nagbibigay katiyakan sa mga Calapeno na ang bawat piso ay nagagamit nang wasto para sa kanilang kapakanan.
Sa pamumuno ni Mayor Malou Flores-Morillo, na kilala sa kanyang integridad at dedikasyon, patuloy ang Calapan sa TAMANG LANDAS NG PAMAMAHALA.
Serbisyong walang kapantay, tapat sa bayan, wasto at transparent sa budget na pinagyayaman at iniingatan!