Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Calapan City muling kinilala ng National Nutrition Council – Calapan City Official Website

Calapan City muling kinilala ng National Nutrition Council

𝑷𝒂𝒈𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨𝒏𝒈 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏𝒐, 𝒖𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑴𝒐𝒓𝒊𝒍𝒍𝒐!

Gagawaran sa ikalawang pagkakataon ng 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑩𝒂𝒏𝒏𝒆𝒓 𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒊𝒂𝒏𝒄𝒆 ang Calapan City sa isasagawang 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 (𝗥𝗡𝗔𝗖) na gaganapin sa October 25, 2023.

Ang GBSC ay iginagawad ng NNC sa mga lokal na pamahalaan na mayroong aktibong mga programa at proyekto na naka-angkla sa pagpapabuti ng nutrition situation ng buong komunidad.

Ayon kay 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼, bumaba ang 𝒎𝒂𝒍𝒏𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒓𝒂𝒕𝒆 sa lungsod dahil sa iba’t ibang health nutrition programs na ang layunin ay makamit ang zero malnutrition sa Calapan.

Kabilang sa mga programang ito ang supplementary feeding, ang pamamahagi ng micronutrient supplements tulad ng vitamin A at iron syrup, ang information at education campaign sa mga magulang, kung saan itinuturo ang pagbibigay ng wastong nutrisyon.

Kaugnay nito, nahirang namang muli si 𝗠𝗮. 𝗜𝗺𝗲𝗲 𝗔. 𝗖𝗲𝗹𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝑵𝒖𝒓𝒔𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒕𝒕𝒆𝒏𝒅𝒂𝒏𝒕 1 mula sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗟𝗶𝗯𝗶𝘀, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 bilang 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑶𝒖𝒕𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒐𝒓 2023. Matatandaang nakuha din niya ang kaparehas na pagkilala noong taong 2018 at 2019. Siya rin ang kakatawan sa MIMAROPA para sa National level category ngayong taon.

Finalist naman sa 2023 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑶𝒖𝒕𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒍𝒂𝒓 si 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗮 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼 ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹.

Ang pagpili sa mga nagwagi ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita ng mga miyembro ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 upang magsagawa ng ebalwasyon at matutukan ang implementasyon ng nutrition programs.

Ayon naman sa Ina ng Lungsod, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ang pagkilalang ito ay malinaw na resulta ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga konsernadong tanggapan, opisina, departamento at mga indibidwal na kabilang sa sangay pangkalusugan ng buong kalungsuran upang pagtrabahuhan ang pagbibigay ng dekalidad na health programs para sa taumbayan.

Dagdag pa niya, patuloy na palalakasin at palalawigin ng kanyang administrasyon ang mga programang pangkalusugan, kasabay ang lalo pang pagsasaayos ng mga handog na health services sa mga Calapeño.