Ang proyektong ito ay bahagi ng mga pangako ni Mayor Malou Flores-Morillo noong nakaraang eleksyon, na naglalayong palakasin ang kalusugan ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gatas na mayaman sa calcium at iba pang nutrients na mahalaga para sa kanilang kalusugan. Ayon sa Ina ng Lungsod, ang kalusugan ng mga senior citizens ay isa sa kanyang mga pangunahing prayoridad.
“Napakahalaga ng kalusugan ng ating mga nakatatanda. Ang gatas ay hindi lamang para sa mga bata, kundi mahalaga rin ito sa mga senior citizens upang mapanatili ang kanilang lakas at kalusugan,” aniya. Marami namang mga senior citizens ang nagpapahayag ng pasasalamat sa inisyatibong ito ni Mayor Morillo, na ayon sa kanila, ay malaking tulong lalo na sa mga may limitadong kita.