Pinaunlakan ng ilan sa mga mahuhusay na kasapi ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ng 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗱 nito na si 𝗠𝗿. 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗥. 𝗩𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗮 ang imbitasyon ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na maging bahagi sila ng workshop na nakatuon sa paksang “𝑫𝒆𝒔𝒊𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒓𝒊𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑭𝒂𝒄𝒆𝒃𝒐𝒐𝒌 𝑷𝒂𝒈𝒆”, para makapagbahagi ng mga natatanging kaalaman at karanasan sa mga mag-aaral, tungo sa kanilang pag-unlad, ginanap sa ABC Hall, Local Government Center, New City Hall, Barangay Guinobatan, nitong ika-3 ng Mayo.

Naging bahagi rin ng aktibidad na ito sina 𝗠𝗿. 𝗪𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗹 𝗠𝘂𝗻𝗱𝗼, at 𝗠𝗿. 𝗥𝗮𝗽𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗚. 𝗔𝗯𝗮𝗰 na kapwa mula rin sa CIO, kung saan ay dinaluhan ito ng mga mag-aaral ng CCC na mula sa iba’t ibang organisasyon.

Ang nasabing aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng “𝑻𝒉𝒆 𝑰𝒏𝒏𝒐𝒗𝒂𝒕𝒐𝒓𝒔’ 𝑾𝒆𝒆𝒌” na nakaangkla sa temang “𝑻𝒓𝒂𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔, 𝑴𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒅𝒗𝒂𝒏𝒕𝒂𝒈𝒆𝒔: 𝑺𝒉𝒂𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒐𝒇 𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕𝒔 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝑻𝑨𝑴𝑨 𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒂𝒍𝒊𝒔𝒎” na kaugnay sa pagdiriwang ng “𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗙𝗿𝗲𝗲𝗱𝗼𝗺 𝗗𝗮𝘆”, na isinagawa sa pangunguna ng 𝗧𝗵𝗲 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀, Opisyal na Publikasyon ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan, sa ilalim ng gabay ng kanilang Tagapayo na si 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗺𝗮 𝗝𝗮𝗻𝗲 𝗟. 𝗠𝗶𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲.

Inaasahan na magpapatuloy pa ang nasimulang makabuluhang gawain hanggang ika-5 ng Mayo, kung saan ay magsasagawa rin sila rito ng 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘀𝗸𝘁𝗼𝗽 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻.