Lampas 𝟯𝟬𝟬 indibidwal ang mapalad na nakatanggap ng kani-kanilang health card, Miyerkules, ika-11 ng Enero taong kasalukuyan.

Ang naturang mga indibidwal ay residente mula sa mga barangay ng 𝗡𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮 𝗜, 𝗜𝗜, 𝗚𝘂𝘁𝗮𝗱 at 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀.

Bakas naman sa mukha ng mga naroroon ang galak sa handog na 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗰𝗮𝗿𝗱 mula sa city government, sa pangunguna ng Ina ng lungsod – 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 katuwang ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamamahalaan naman ni 𝗠𝗮𝗱𝗮𝗺 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮𝗱𝗮. Naroon din si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗚𝗼𝗰𝗼 na nagpahayag ng kaniyang pagkagalak dahil may pinatutunguhan ang lahat ng mga isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang buong Sanggunian sa pangunguna naman ni 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼.

Tunay na maaasahan at sandigang maituturing ang nasabing health card lalo na para sa mga taumbayan na mayroong payak na pamumuhay.

Lalo namang naging lubos ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng naturang health card nang ipabatid ng Ina ng lungsod ang kanyang pagpapalawak pang lalo ng sakop ng health card. Aniya, ito ay para makatulong ng lubos sa usaping pangkalusugan ng taumbayan.

Ang health card distribution ay bunga ng nakaraang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻, na naglalayong ilapit sa mga mamamayan ang iba’t-ibang serbisyo na nagdudulot ng kaalwanan sa pamumuhay ng taumbayan (Kate Redublo/CIO).