“𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊, 𝒔𝒂𝒍𝒖𝒅𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒕𝒍𝒆𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒈𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒅𝒖𝒍𝒐! 𝑺𝒂 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒆𝒕𝒆𝒓𝒎𝒊𝒏𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂, 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒍𝒐!”
Buong pusong ipinamalas ng mga atleta na nagmula sa iba’t ibang panig ng Oriental Mindoro, at maging sa mga nanggaling pa sa labas ng lalawigan ang kanilang angking husay at tatag sa pagtakbo at pagpadyak sa ginanap na 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝘂𝗮𝘁𝗵𝗹𝗼𝗻 𝟮.𝟬, bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na isinagawa sa Oriental Mindoro National High School, Sports Complex, nitong araw ng Linggo, ika-12 ng Marso.
Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿, 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, at sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni 𝗖𝗬𝗦𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, kaagapay ang 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗹𝘂𝗺𝗯𝘂𝘀 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝟳𝟭𝟴𝟵, matagumpay na naisagawa ang makabuluhang aktibidad na nakapagbukas ng oportunidad para sa mga aktibong atleta.
Ang mga kalahok sa nasabing aktibidad ay nagmula sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗣𝘂𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗚𝗮𝗹𝗲𝗿𝗮, 𝗦𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗕𝗮𝗰𝗼, 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻, 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗚𝗹𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗕𝗮𝗻𝘀𝘂𝗱, 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴, 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀, 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝗼, 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲, 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, at 𝗟𝗶𝗽𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Sa unang bahagi, nag-umpisang tumakbo ang mga kalahok na atleta mula sa OMNHS Sports Complex, patungo sa Gaisano Mall.
Pagkatapos nilang makabalik sa Sports Complex, nagsimula silang pumadyak para sa ikalawang bahagi, gamit ang kani-kanilang mga dalang bisikleta na ang ruta ay patungo naman sa Baco Municipal Hall.
Sa huling yugto, pagkabalik ulit ng mga kalahok sa OMNHS Sports Complex, umarangkada ulit sila sa pagtakbo patungo sa Luna Goco, at sa kanilang pagbalik, naging hamon para sa kanila ang isang huling ikot na pagtakbo sa Oval, patungo sa Finish Line.
Taos-pusong nagpapasalamat ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pakikipagtulungan ng 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗, 𝗖𝗘𝗡𝗥𝗢, 𝗧𝗠𝗢/ 𝗣𝗦𝗗, 𝗛𝗶𝗴𝗵𝘄𝗮𝘆 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽, 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, at sa 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 at 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀 ng 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, 𝗟𝗮𝗹𝘂𝗱, 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗺𝗶𝗹, at 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵. Gayundin, nagpapasalamat din sila sa suporta ng 𝗣𝗼𝗰𝗮𝗿𝗶 𝗦𝘄𝗲𝗮𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗪𝗮𝘁𝗲𝗿, at 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮 na naging kaisa para maitaguyod ang matagumpay na gawain.
Ang ganitong uri ng paligsahan ay buong pusong sinusuportahan ng butihing Ina ng Lungsod, batid niyang mayroon itong malaking maitutulong sa pag-unlad ng mga atleta, lalo na sa mga kabataan.



























