Nasungkit ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝘀 ang pang-anim (6) na panalo nito sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝘂𝗽: 𝟮𝟱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝘁𝗼𝘄𝗻 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟯, matapos nitong gapiin ang 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 sa iskor na 𝟵𝟳-𝟲𝟴 sa court ng Roxas Gymnasium, nitong araw ng Sabado, ika-14 ng Oktubre.
Sa unang quarter ng laro, naging agresibo kaagad ang Team Calapan sa opensa, kung saan mga pasok na 2 at 3 point shot ang sunod-sunod na pinakawalan nina 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗞𝗶𝗯𝗯 𝗔𝘁𝗶𝗲𝗻𝘇𝗮, 𝗡𝗶𝗰𝗵𝗼𝗹𝗲 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲 𝗠𝗮𝘂𝗹𝗶𝗼𝗻, at 𝗘𝗮𝗿𝗹 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗟𝗮𝘄𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗱𝗮.
Kahit na bumawi ng pasok na tres (3) si Mercado ng Victoria sa huling isang minuto, umarangkada pa rin sa pagpuntos ang Team Calapan, dahilan para magtapos ang unang bahagi sa iskor na 𝟮𝟴-𝟭𝟯.
Sa second quarter, sinubukan ng Team Victoria na humabol at maibaba ang lamang sa kanila, ngunit mas lalong humigpit ang depensa ng Team Calapan City at napanatili ng koponan ang malaking kalamangan nito sa iskor na 𝟰𝟲-𝟯𝟰.
Naging malaking bagay naman sa third quarter ang mga pasok na free throw shot at mahigpit na depensa ng Team Victoria para makahabol, ngunit ito ay ganadong sinabayan ng Team Calapan City na nagresulta ng 𝟲𝟵-𝟱𝟱 na iskor.
Dikdikang laban naman ang nasaksihan ng mga manonood pagsapit ng fourth quarter, kung saan tuluyan nang natibag ng Calapan City Capitals ang matibay na kalasag ng Team Victoria, sa pamamagitan ng pagpapasok ng sunod-sunod na puntos nina 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗘𝘃𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 at 𝗥𝗮𝗹𝗽𝗵 𝗦𝘁𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗼, kung saan natapos ang laro sa iskor na 𝟵𝟳-𝟲𝟴.