Mahaba ang pinagdaanan subalit hindi bumitiw sa kanilang pangarap na makapagbigay ng karangalan para sa Lungsod ng Calapan.
Sa elimination round hanggang sa semi-finals ay pinataob ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝘀 ang matitibay na mga koponan mula sa buong lalawigan.
Hanggang sa umabot sa finals, na kung saan ay nakaharap ng Team Calapan ang ‘𝒖𝒏𝒅𝒆𝒇𝒆𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒆𝒂𝒎’ mula sa Bayan ng Mansalay, ginanap sa Sentrong Pangkabataan Sports Complex, Barangay Sapul, Calapan City, Nobyembre 14, 2023.
Sa unang arangkada ay ipinakita agad ni 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲 𝗠𝗮𝘂𝗹𝗶𝗼𝗻 ang kanyang shooting power nang kumamada ng siyam (9) na puntos sa first quarter na tinulungan pa ng dalawa sa kanyang team mates na sina 𝗣𝗶𝗼𝗹𝗼 𝗗𝗮𝗹𝗶𝘀𝗮𝘆 at 𝗡𝗶𝗰𝗼 𝗥𝗼𝗰𝗶𝗼 para sa 10 puntos na kalamangan.
Subalit hindi papayag ang 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝘆 na mapagiwanan sila, kung kaya umatake ang dalawa sa highest pointer nito na sina 𝗥𝗲𝘅𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻 at 𝗘𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗯𝗶𝗼 hanggang sa maibaba sa dalawang (2) puntos na kalamangan sa pagtatapos ng unang kwarter, ang iskor ay 𝟮𝟴-𝟯𝟬 para sa Team Capitals.
Dikdikan ang laban sa pagpasok ng second kwarter, bawat bitiw ng bola ay sinisigurong pasok at walang mintis, nagtapos ang second quarter na tabla ang iskor, 𝟰𝟱-𝟰𝟱.
Naging kalbaryo naman para sa Team Calapan ang umpisa ng third quarter dahil sa 12-0 run ng Mansalay, kitang-kita na hirap silang mapigil ang opensa ng kalaban. Naitala ang dose (12) puntos na kalamangan ng Team Mansalay sa nalalabing pitong minuto ng ikatlong kwarter.
Pero nanatili pa rin ang pusong-mandirigma ng Capitals, gamit ang kanilang sumasagitsit na ‘fast break’ ay nabawian nito ang katunggali hanggang sa maibaba na lamang sa tatlong puntos ang lamang ng Team Mansalay, 𝟳𝟬-𝟲𝟳 sa dulo ng ikatlong kwarter.
Sa final quarter ay muling pumutok ang ang matinding opensa ng Team Mansalay gamit ang kanilang mga tirador na sina 𝗥𝗲𝘅𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻, 𝗘𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗯𝗶𝗼 at 𝗖𝗹𝗮𝗿𝗸 𝗗𝗶𝗼𝗻𝗶𝘀𝗶𝗼 ay natambakan ng dose (12) puntos ang Team Calapan, 𝟴𝟬-𝟳𝟮.
a kabila nito ay nanatiling mataas pa rin ang moral ng koponan ng Calapan, ibinuhos ang buong lakas at diskarte sa play strategy sa pangunguna ni 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗥𝗼𝗰𝗶𝗼, resulta nito ay naitabla nila ang iskor sa 𝟴𝟭 all sa nalalabing apat na minuto ng final quarter.
Hanggang sa dulo ay hindi bumitiw ang Capitals sa pangarap na masungkit ang kampyonato, subalit sadyang hindi umayon sa kanila ang pagkakataon.
Sunud-sunod na sablay na tira, lost ball at ball possession na pabor sa kalaban, at sa last 2-minutes ay angat ng anim na puntos ang kalaban.
Habang nagpatuloy ang swerte ng Team Mansalay hanggang sa tuluyan nilang biguin ang kanilang kalaban na masungkit ang inaasam na titulo, nagtapos ang mainit na sagupaan sa final score na 𝟵𝟳-𝟴𝟴, 𝑪𝒉𝒂𝒎𝒑𝒊𝒐𝒏 ang Team Mansalay.
Sila ang nakapag-uwi ng 𝟭 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝘀𝗼 (P1,000,000) na premyo at sa kanila rin mapupunta ang Sports Complex Project mula sa Kapitolyo na nagkakahalaga ng 8 milyong piso (P8,000,000).
Tinanghal na 1𝒔𝒕 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆𝒓 ang 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝘀 na may 𝗣𝟮𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬, 2𝒏𝒅 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆𝒓 ang 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻 na may 𝗣𝟭𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 at 3𝒓𝒅 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆𝒓 ang 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 na may 𝗣𝟭𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Kabilang sa 𝑴𝒚𝒕𝒉𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑭𝒊𝒗𝒆 sina:
𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗟𝗼𝘄𝗶𝗲 𝗘𝘀𝘁𝗲𝗿𝗼𝗻 – Naujan
𝗝𝗼𝗻𝗮𝘀 𝗖𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮𝘀 – Pinamalayan
𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲 𝗠𝗮𝘂𝗹𝗶𝗼𝗻 – Calapan
𝗘𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗯𝗶𝗼 – Mansalay
𝗥𝗲𝘅𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻 – Mansalay
Sila ay pawang nakatanggap ng tig-tatatlong libong piso (𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬).
Samantala, kinilala bilang 𝑴𝒐𝒔𝒕 𝑽𝒂𝒍𝒖𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑷𝒍𝒂𝒚𝒆𝒓 ng torneyo si 𝗘𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗯𝗶𝗼 mula sa Mansalay na may premyong 𝗣𝟯𝟬,𝟬𝟬𝟬. Hindi man pinalad ang koponan ng Lungsod ng Calapan subalit naroon pa rin ang paghanga ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa husay at talento ng mga Kabataang Calapeño. Pinanood ni Mayor Malou ang championship game upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga pambato ng Calapan.
Kaugnay nito, patuloy niyang hinihikayat ang mga kabataan na huwag sumuko sa pangarap dahil ang Pamahalaang Lungsod aniya ay laging nakahandang tumulong upang mapalakas ang sports sa Calapan City