Matapos ang apat na araw ay nakilala na ang mga mag-aaral na atletang nanguna sa iba’t ibang larangan ng isports at ang distrito o klaster na nangibabaw sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘁𝗵𝗹𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟯 na ginanap sa Oriental Mindoro National High School, ika-25 hanggang ika-28 ng Abril.

Sa elementarya, muling nakuha ng 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑾𝒆𝒔𝒕 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕 ang kampiyonato na nakakuha ng 𝟱𝟴 𝗴𝗼𝗹𝗱, 𝟯𝟰 𝘀𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿, at 𝟭𝟴 𝗯𝗿𝗼𝗻𝘇𝗲 𝗺𝗲𝗱𝗮𝗹𝘀.

Samantala, itinanghal na 𝟭𝘀𝘁 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽 ang 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑬𝒂𝒔𝒕 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕 at 𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽 naman ang 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑺𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕.

Pagdating sa sekondarya, 𝗢𝘃𝗲𝗿-𝗮𝗹𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 ang 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟯 o 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 na nagkamit ng 𝟳𝟮 𝗴𝗼𝗹𝗱, 𝟲𝟰 𝘀𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿, at 𝟰𝟯 𝗯𝗿𝗼𝗻𝘇𝗲 𝗺𝗲𝗱𝗮𝗹𝘀.

Sa kabilang banda, 𝟭𝘀𝘁 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽 ang 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟰 at 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝟭 naman ang naging 𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝘂𝗽.

Sunod na paghahandaan naman ng mga atletang nagwagi sa City Meet ang 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘁𝗵𝗹𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟯 na gaganapin sa Romblon at ayon kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮, naglaan muli ng mahigit 𝗣𝗵𝗽 𝟯𝗠 ang Pamahalaang Lungsod para dito bilang suporta sa mga mag-aaral na atleta.

Naroon naman bilang kinatawan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 at si 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.

Ang Calapan City Athletics Meet 2023 ay pinangunahan ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, sa ilalim ng pamumuno ni 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗠. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 at ni 𝗔𝘀𝘀𝘁. 𝗦𝗗𝗦 𝗗𝗿. 𝗖𝘆𝗻𝘁𝗵𝗶𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿 𝗚. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼, at naging katuwang nila ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Education Department at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵, 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.