Calapan City Athletic Association (CCAA)

Noong ika-21 ng Agosto, matagumpay na pong naipasa sa Luna Goco Colleges Inc. ang opisyal na banner

ng Calapan City Athletic Association (CCAA). Sa season 19 ng CCAA, ang Luna Goco Colleges ay itinalaga bilang host school, na may malaking papel sa pagtataguyod ng mga aktibidad ng asosasyon ngayong taon at inaasahang magiging isa sa pinaka-kapana-panabik at makabuluhang kabanata ng CCAA.