Sa hudyat ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay mabilis at sumasagitsit ang dalawang bangka na nagkatapat sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗿𝗲𝗿𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟯 na ginanap sa Barangay Pachoca, Calapan City nitong Marso 19.
Isa ito sa mga atraksyon na nakapaloob sa 25𝒕𝒉 𝑪𝒊𝒕𝒚𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 na ngayong taon ay dinayo ng mga bangkarerista mula sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro tulad ng Mansalay, Pola at Calapan City. May mga dumayo rin mula sa iba pang probinsya gaya ng Batangas, Laguna at Pangasinan.
Sa kabuuan ay may 40 bangka (open formula) na binubuo ng 10 teams ang nagparehistro sa nasabing kompetisyon. Dinagsa ng mga manunuod ang bahagi ng dalampasigan na pinagdausan ng aktibidad upang saksihan ang kapana-panabik na karera ng mga bangka.
Sa pagtatapos ng matinding labanan ay pinarangalan ang mga grupo na nanaig sa kompetisyon. Dito ay tinaguriang ‘𝒉𝒂𝒌𝒐𝒕-𝒂𝒘𝒂𝒓𝒅’ ang 𝗝𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔 (𝗠𝗮𝗯𝗶𝗻𝗶 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀).
Nakuha nila ang pagiging:
𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – (glass plaque + P50,000 + epoxy supplies from Pioneer Epoxy + Pro quip 17.5 hp engine from Simbingko Marketing)
𝟭𝘀𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – (glass plaque + P30,000 + epoxy supplies from Pioneer Epoxy + Pro quip 17.5 hp engine from Simbingko Marketing)
𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – (glass plaque + P20,000 + epoxy supplies from Pioneer Epoxy)
Samantalang ang 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 ay nakuha ng 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗮𝗻𝘀𝘂𝗱 (glass plaque + 10,000 + epoxy supplies from Pioneer Epoxy)
Ang matagumpay na pagsasagawa ng ‘Bangkarera 2023’ ay dahil sa pagtutulungan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan naman ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱.
Katuwang naman sa pagsisiguro ng kaligtasan ng nga kalahok at mga manunuod ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱, 𝗣𝗡𝗣-𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗺𝗲, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗙𝗠𝗢-𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗗𝗮𝗴𝗮𝘁.
Pinapasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ang mga sponsors na may kontribusyon din upang maisakatuparan ang nasabing programa na kinabibilangan ng 𝗚𝗹𝗼𝗯𝗲, 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴, 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗦𝘂𝗿𝗽𝗹𝘂𝘀, at 𝗠𝗿. 𝗚𝗶𝗱 𝗕𝗮𝗴𝘀𝗶𝗰 para sa venue.
Araw man ng Linggo subalit hindi ito pinalampas ni City Mayor Malou upang makisaya sa kanyang mga minamahal na kababayan. Sinabi rin niya bagamat nagpapatuloy ang mga aktibidad para sa Silver Founding Anniversary ng Calapan City sa kabila ng banta ng oil spill ay nagpapatuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng mga konsernadong departamento ng City Hall katuwang ang iba pang ahensya sa posibilidad ng oil spill sa ating city waters.






















