“๐ป๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐”, iyan ang pambungad na pahiwatig ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ sa kanyang mga minamahal na kapwa negosyante sa ginanap na ๐๐๐๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด nitong Pebrero 24, 2023, Calapan City Convention Center, Barangay Tawiran Calapan City.
Nasa halos dalawang daang mangangalakal at negosyante sa buong Lungsod ng Calapan ang nagpaunlak sa paanyaya ng City Government para sa isang makabuluhang diyalogo na nakatuon sa mga suliraning kinakaharap ng nasabing sektor. Ito ay bahagi ng mga hakbangin ng Administrasyon nina ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ at ๐๐ถ๐๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐บ ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ na higit pang mapaganda ang takbo ng mga negosyo sa lungsod.
Kabilang sa mga nagsidalo ay ang mga nagmamay-ari at representante ng mga nagnenegisyo sa business district ng lungsod partikular sa ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ gayundin ang mga may pwesto sa malalayong barangay gaya ng meat shop owners sa Km. 12 (kanto ng Managpi) at iba pa. May mga dumalo rin mula sa transportation sector.
Upang maging mabunga ang konsultasyon, maliban kina City Mayor Malou, City Vice Mayor Bim at ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐. ๐ฅ๐ฒ๐๐บ๐๐ป๐ฑ ๐๐น ๐จ๐๐๐ฎ๐บ ay naroon din ang mga konsernadong department heads at program managers ng City Hall tulad nina ๐ ๐ฟ. ๐๐ผ๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ – ๐๐ง๐๐, ๐ ๐ฟ. ๐ก๐ฒ๐ฝ๐ผ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ – ๐๐๐๐, ๐ ๐ฟ. ๐ช๐ถ๐น๐น๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ต๐ผ – ๐๐๐ก๐ฅ๐, ๐ ๐ฟ. ๐ก๐ถ๐ฐ๐ธ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด – ๐๐ง๐, ๐ ๐. ๐๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ – ๐๐ฃ๐๐ข, ๐ ๐. ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐น๐ฒ๐ถ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐๐ถ๐น๐น๐ฎ – ๐๐๐ฆ๐, ๐ ๐ฟ. ๐๐ต๐ผ๐ ๐๐ฏ๐ผ๐ฏ๐ผ๐๐ผ – ๐ฃ๐ฆ๐, ๐๐ฟ. ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ป๐๐ผ – ๐๐๐ฆ๐, ๐ ๐ฟ. ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ฒ๐ ๐๐๐ฐ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐ฎ – ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐, ๐ ๐ฟ. ๐๐ฒ๐น๐๐ผ๐ป ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ผ๐ป๐ด – ๐๐๐ at ๐ ๐ฟ. ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐๐ฑ – ๐๐ง๐๐๐.
Mula sa hanay ng Sangguniang Panlungsod ay kumatawan dito si ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐ผ๐ฟ ๐๐๐ป ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐น๐ผ bilang tagapamuno ng Komite para sa Kalakalan. Ilan sa mga isyung napagtalakayan sa nasabing konsultasyon ay tungkol sa parking para sa mga parokyano sa kahabaan ng J.P. Rizal, Juan Luna at Leuterio Street, mahinang benta sa palengke dahil sa dumaraming talipapa, aplikasyon ng mga business permits (requirements compliance) at ang pagtaas ng stall fee (City Economic Enterprise Code) at iba pang usapin sa palengke.
Dito ay naipaabot din ng mga apektado ng traffic congestion mula sa hanay ng transportasyon. Ang bawat katanungan ay maayos namang tinugon ng mga opisyal mula sa Pamahalaang Lungsod kasunod nito ang pagbibigay ng kasiguruhan na ang lahat ng problema, reklamo at suhistiyon ay bibigyan ng mabilisang pag-aksyon na nakabatay sa masusing pag-aaral at pagbabalanse ng bawat sitwasyon upang matiyak na ang anumang hakbang na isasagawa ay magiging patas at makatarungan para sa lahat ng taumbayan.
Sa pagtatapos ay iniwan ni Mayor Malou ang kanyang mensahe ng taus-pusong pagmamahal at pagmamalasakit para sa mga negosyante at mangangalakal sa Lungsod ng Calapan na itinuturing niyang partners ng ating gobyerno sa pagpapaunlad at pagbibigay ng oportunidad sa hanapbuhay para sa mga Calapeรฑo.












