Brigada Eskwela 2024 – Personas National High School

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, pormal na sinimulan ngayong araw, ika-22 ng Hulyo sa Personas National High School, Calapan

City, ang Schools Division of Calapan City “Brigada Eskwela 2024” na nakaangkla sa temang “Pista ng Pagtutulungan, Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan” na naglalayong ihanda ang paaralan, ngayong darating na pasukan, upang makamit ang maayos na learning environment na makatutulong, para mapanatili ang kaligtasan, kapayapaan, at kalinisan, tungo sa maayos na pag-aaral ng mga estudyante.