BRIGADA ESKWELA 2024

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, pormal na sinimulan ngayong araw, ika-22 ng Hulyo sa Personas National High School, Calapan City,

ang Schools Division of Calapan City “Brigada Eskwela 2024” na nakaangkla sa temang “Pista ng Pagtutulungan, Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan” na naglalayong ihanda ang paaralan, ngayong darating na pasukan, upang makamit ang maayos na learning environment na makatutulong, para mapanatili ang kaligtasan, kapayapaan, at kalinisan, tungo sa maayos na pag-aaral ng mga estudyante.
Nagpakita rin ng pagsuporta sa nasabing aktibidad sina Ms. Susana M. Bautista (Schools Division Superintendent), Ms. Marites P. Perez EdD (OIC-Assistant Schools Division Superintendent), at Ms. Glorineil D. Romero (Principal IV, PVPMNHS), gayundin ang mga stakeholder na sina Ms. Lourdes Davalos-Jurado, at Mr. Ben Espiritu.
Samantala, ang gawaing ito ay dinaluhan din nina City Education Officer, Ms. Myriam Lorraine D. Olalia, City Councilor, Atty. Jel Magsuci, at City Legal Officer, Atty. Rey Daniel Acedillo, kasama ang mga stakeholders, barangay officials, mga guro, mag-aaral, at volunteers.