BRIDGE TO THE FUTURE SCHOLARSHIP COLLEGE PROGRAM: COMPETITIVE QUALIFYING EXAMINATION 2024

Sumailalim sa Competitive/Qualifying Examination ang nasa kabuuang 325 student applicants, para sa

City Government of Calapan “Bridge to the Future” College Scholarship Program, ginanap sa Oriental Mindoro National High School, Calapan City, nitong ika-21 ng Hunyo.

Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Education Department na pinamumunuan ni City Education Officer, Ms. Myriam Lorraine D. Olalia, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing aktibidad na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga karapat-dapat na mag-aaral na mapabilang sa mga isko at iska na suportado ng pamahalaan, para sa kanilang pag-aaral.