Isinagawa ang isang pagtitipon para sa mga iskolar ng City Government of Calapan na kumukuha ng kursong BS Engineering at BS Accountancy. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng City Education Department sa pamumuno ni Ms. Myriam Lorraine Olalia at dinaluhan mismo ni City Mayor Malou Flores-Morillo noong ika-8 ng Mayo 2024.
Sa pagtitipong ito, binigyang-diin ni Mayor Morillo ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahusay sa akademiko at moral na aspeto ng mga mag-aaral. Layunin ng pagtitipong ito na higit pang mabigyang gabay ang mga iskolar sa mga dapat taglaying mga qualification upang mapanatili ang kanilang pagiging benepisyaryo ng scholarship program ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Morillo ang mga oportunidad at suportang maaaring asahan ng mga iskolar, maging ng kanilang pamilya at komunidad, mula sa lokal na pamahalaan. Ipinahayag din niya ang kanyang lubos na pagtitiwala sa kakayahan ng mga mag-aaral na magtagumpay, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kaunlaran ng Calapan.