Dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗚𝗼𝗰𝗼 ang pagbubukas ng 𝗖𝗮𝗿𝗹 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲 𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗲 sa Barangay Biga, Calapan City nitong ika-18 ng Mayo.
Si 𝗠𝗿. 𝗟𝗲𝗼𝘃𝗶𝗴𝗶𝗹𝗱𝗼 𝗱𝗲 𝗟𝗶𝗻𝗮 𝗖𝗮𝗿𝗮𝗻𝘇𝗼 ang kauna-unahang franchise owner ng nasabing botika sa Lungsod ng Calapan.
Aniya, nais niya lamang matulungan ang kaniyang mga kababayan na bumibyahe pa ng malayo para lamang bumili pa ng gamot.
Samantala, pinangunahan ni 𝗙𝗿. 𝗝𝘂𝗻 𝗕𝗮𝗹𝘂𝘆𝗼𝘁 ang pagbasbas ng botika; naroon din ang may-ari ng Carl Andre Drug Store na si 𝗠𝗿. 𝗭𝗮𝗹𝗱𝘆 𝗱𝗲 𝗖𝗵𝗮𝘃𝗲𝘇, at maging ang Barangay Chairperson ng Biga na si 𝗛𝗼𝗻. 𝗣𝗲𝗿𝗹𝗮 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘆.



















