Nakiisa sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 𝗥𝗼𝗱𝗼𝗹𝗳𝗼 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 sa pagbabasbas ng bagong “𝗦𝗼𝗹𝗮𝗿 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗜𝗿𝗿𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 (𝗦𝗣𝗜𝗦)” para sa mga magsasaka, na ginanap sa Sitio Bagong Silang, Barangay Baruyan, Calapan City, nitong ika-3 ng Abril 2023.

Ang pagbabasbas sa proyektong ito ay pinangunahan ni 𝗥𝗲𝘃. 𝗦𝗶𝗺𝗽𝗹𝗶𝗰𝗶𝗼 𝗔. 𝗕𝗼𝗻𝗾𝘂𝗶𝗻, kung saan ay dumalo rin dito sina 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝟭𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁, 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗖. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, at 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗛𝗼𝗻. 𝗛𝗲𝗻𝗿𝘆 𝗟. 𝗗𝗿𝗶𝘀, kasama ang mga miyembrong kasapi ng 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Naisakatuparan ang proyektong ito na mula sa nasyonal sa pamamagitan ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, katuwang ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at iba pang mga samahan, kung saan ay nasa humigit kumulang na (P6,000,000) anim na milyong piso ang inilaang pondo para rito.

Naging bahagi rin ng aktibidad na ito sina 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗖. 𝗜𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 – 𝗗.𝗔. 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔), 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀 𝗠. 𝗣𝗮𝗻𝗼𝗽𝗶𝗼 (𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 – 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻), 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝗼 𝗕. 𝗔𝗯𝗮𝘀, (𝗙𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 – 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻), at 𝗠𝗿. 𝗘𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗼𝘃𝗮𝗹.

Ayon sa butihing Ina ng Lungsod, ang SPIS na ito ay tunay na malaki ang kaginhawaan na maidudulot sa mga magsasaka, dahil wala silang babayarang kuryente, at wala rin silang babayarang krudo. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, nariyan ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, gayundin ang City Agricultural Services Department, para umagapay at kumandili sa mga mamamayan, maging sa mga masisigasig na magsasaka ng Lungsod.